DISCRIMINATION

Image result for discrimination

So ito na naman po tayo sa blog kong ito na nais kong ibahagi sa inyong lahat..

So ano nga ang nagiging sanhi ng discriminasyon sa iba ?

Sa aking palagay ang mga sanhi ng discrimasyon ay edad,kulay,relihiyon,pinag- aralan,pang labas na katauhan, kapansanan, kasarian at marami pang- iba. Ang mga yan ang nagiging sanhi kung bakit ang ibang tao ay nakakaranas na hindi kasama. Dahil sa gantong ugali ng ibang tao ang iba ay nasasaktan na emotional dahil sa pinapakita ng iba na hindi naman dapat ang trato sa ibang tao dahil yan sa kanilang edad,kulay,relihiyon,pinag- aralan,pang labas na katauhan, kapansanan, kasarian at marami pa iba.

Kaya tayo ay matutong makisama sa ibang tao at wag tayo manghusga ng dahil hindi ito nakakatulong sa atin .

So ito na naman po ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo ..Godbless 07-22-2019

Abortion

So ito na naman po ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo ..

Abortion ay isang kasalanan na kung saan ito ay masamang gawain ang kitil ng buhay lalo na pag sanggol kasi ang sanggol ay isang magandang regalo ng panginoon .. Kaya kung ikaw na nag babalak gawin ito wag mo ng ituloy maawa ka sa bata na papatayin mo kasi wala yang kaalam alam hayaan mo masilayan ng batang yan ang ganda ng mundo.. Kung ikaw man ay nag kasala kasi nabuo ang batang iyan ng walang kasal at wag munang dagdagan ng isa pang kasalanan ..

So ito lamang ang nais kong ibahagi sa inyo.. Godbless 07-21-2019

Early Pregnancy

So ito na naman ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo..

Maraming mga kabataan ang maagang nabubuntis dahil sa desisyon na hindi pinag isipan ng mabuti nagiging padalos dalos sa pag dedesisyon kaya nagiging maagang magulang hindi dahil sa kapabayaan ng magulang kasi ang magulang ay walang sawang pag papaalala na huwag muna magkakaroon ng kasintahan pero ikaw na kabataan masyado kang nagpadala sa bugso ng damdamin mo kaya ang naging kapalit ay ang pagiging maagang ina o ama at dahil sa doon minsan ay ang kanilang pag aaral ay naaapektuhan

Kaya kabataan bago tayo mag desisyon pag isipan muna natin para hindi tayo mag sisi sa bandang huli.

So ito lang po ang nais kong ibahagi sa inyo naway may natutunan kayo..Godbless 07-20-2019

PAGKALULONG NG KABATAAN SA TEKNOLOHIYA

So ito na naman ang blog ko sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo..

Ang pagkalulong ng kabataan sa teknolohiya ay hindi na sila nakakapagfocus sa kanilang pag aaral mas napagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pag lalaro tulad ng mobile legends,pag fafacebook at iba pa kaya maraming kabataan ang bumabagsak sa kanilang pag aaral.. Kung minsan naman ay tinatamad ng mag aral ang gusto nalang ay maglaro ng maglaro kasi sa pag lalaro doon sila nagiging masaya ..

Kaya mga kabataan ating pahalagahan ang ating pag aaral dahil maraming nag sasakripisyo sayo upang ikaw ay makapag-aral matuto tayong pahalagahan ang ating pag aaral dahil ito’y susi sa ating kinabukasan..

So ito lamang po ang nais kong ibahagi sa inyo i hope na may napulot na aral ..Godbless 07-19-2019

PAGTAAS NG BILIHIN

So ito na naman ang blog ko sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo..

Bakit nga ba tumataas ang bilihin sa ating bansa?

Sa aking palagay kaya tumataas ang bilihin dahil ang pinag kukunan ng supply ay nag mamahal na ang kanilang nabili na binhi at mga pataba sa lupa na kung saan kaya nagiging mataas ang presyo ng bilihin ay dahil dun. Kung minsan naman ay dahil sa pag kasira ng kanilang pananim dulot ng masamang panahon sa ating bansa kaya nag kakaroon ng pagtaas ng bilihin sa ating bansa.

Kaya matuto tayong magbudget ng bilihin para matugunan natin ang pangangailangan ng bawat isa..

So ito lamang po ang nais kong ibahagi sa inyo nakailangan natin mag budget para sa ating pamilya..Godbless 07-18-2019

Bagyo

So ito na naman ang blog ko sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo..

Ano nga ang bagyo ??

Ito ay isang panahon na kung saan may dalang malakas na hangin at pag ulan at nagbabatya ng masamang panahon.

Ang bagyo ay delikado sa bawat mamamayan kasi maaari itong magdulot ng pagkawala ng mahal mo sa buhay ..

Kaya dapat tayong mag ingat sa mga darating na sakuna maging handa at mag ready ng mga kakailanganin para maging ligtas ang bawat isa.

So ito lamang po ang blog ko sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo.. Godbless 07-17-2019

PHOTO EDITING

So ito na naman po ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo.

Iyan ay aking gawa na kung saan naghanap ako ng lugar na pwede kong ilagay si Dani gurl paris ang aking napili pagkatapos inedit ko si Daniela sa Paris para magmukhang totoo na nasa paris na siya ..

Dapat tandaan ay pumili ng magandang background kung saan mo ilalagay ang pic na ieedit mo para maging maayos ang kinalabasan.

So ito po ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo naway may natutunan kayo.. Godbless 07-16-2019

BISYO NG PILIPINO

So ito na naman ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo..

Madaming uri ng bisyo ang ginagawa ng mga pilipino tulad nalang ng mga pagsusugal,mag iinom ng alak ,pagdodroga at iba pa

Madaming pilipino ang nalalastay ng kanilang pera sa kani kanilang bisyo na kung saan ay mali kasi hindi kanilang kalusugan halimbawa may isang pilipino na inubos ang sahod sa pasugalan tapos pag natalo sa sugal mag hahanap ng makakaaway.. Kung minsan naman ay nakikipag inuman sa kapit bahay tapos nakapag nasinghot din ng droga kaya ang mangyayari ay mag kakaroon ng gulo.. Ang maipapayo ko lang sa inyo ay iwasan ang mga bisyo na nakakasama sa inyong katawan at maging sa inyong bulsa .. So ito lamang po ang nais kong ibahagi sa inyo ..Godbless 07-15-2019

KAWALAN NG TRABAHO

So ito na naman po ang aking blog sa araw na ito na nais kong ibahagi sa inyo ..

Bakit nga ba nawawalan ng trabaho ang ibang mga pilipino ???

Marahil ang napasukan nilang kompanya na malulugi na kaya kailangan nilang magtanggal ng mga manggagawa para mabawi ang kalugihan ang kanilang negosyo. Ang iba naman ay may kontrata na kung saan ang mangagawa ang nag isip kong kailan sila aalis na kung saan ay mali kasi dapat ang may ari ng negosyo na yun ang mag papasya kasi kung isa ka sa masipag at hindi nalalate sa pag pasok hindi ka matatanggal sa trabaho kasi nakikitaan ka ng may ari na ikaw ay masipag na manggagawa .. Kaya ang maibibigay ko na payo maging responsable tayo pag dating sa ating mga trabaho para hindi ka mawalan ng trabaho bagkus ikaw ay maregular sa kompanyang iyan ..So ito lamang ang blog ko sa araw na ito naway may natutunan kayo..Godbless07-14-2019

KAKULANGAN NG PERA SA PAG AARAL

So ito na naman po ang aking blog sa araw na ito na gusto kong ibahagi sa inyo..

Ang mga kabataan sa ibat ibang parte ng mundo ay kailangan na makapag aral..

Bakit nga ba kailangan makapag aral ang isang bata /kabataan ??

Sa pag aaral kasi ng bawat kabataan sa ating bansa ay napakahalaga kasi minsan lang sila magiging bata kaya dapat ibigay ng mga magulang ang ang kanilang pangangailangan sa pag dating sa pag aaral , hindi maapi ng ibang bansa ang mga kabataan ngayon sa ating bansa kasi yun iba mawawala na sino ba ang magpapatuloy ng pag papaunlad ng ating bansa diba ang mga kabataan may karapatan silang makapag aral para sa kanilang kinabukasan at maging maayos ang pag papatakbo ng ating bansa sa mga susunod na henerasyon kaya ang paipapayo ko lang sa mga kabataan na wag ninyong sayangin ang hirap at pagod ng mga magulang inyo matuto tayong magpahalaga sa kanilang mga ginagawa …So ito lamang po ang nais kong ibahagi sa inyo sa arawa na ito sana may napulot kayo na aral ..Godbless 07-13-2029